Gagawaran ng National Housing Authority ng pabahay ang may apatnapung pamilya na naninirahan sa Estero de Magdalena sa Binondo, Maynila matapos bumagsak ang malaking puno sa kanilang mga tirahan.
Personal na binisita ni NHA General Manager Joeben Tai ang mga pamilyang naulila ng tatlong nasawi pati na ang mga nasugatan at sinabing taos puso siyang nakikiramay.
Dagdag pa ni GM Tai, handa silang ilikas sa mas ligtas na lugar, sa kanilang bagong tahanan at ang relokasyon sa informal settler families na naninirahan sa waterways at iba pang mapanganib na lugar gaya ng esteros, creeks, at railways, ay prayoridad ng kanilang hanay.