Nakaalis na sa bansang Afghanistan ang 40 pang mga Pinoy na naipit kamakailan sa kaguluhan dahil sa mga taliban fighters.
Ayon sa inilabas na bulletin ng Department of Foreign Affairs (DFA), na naisa-ayos ng embahada ng ating bansa sa Islamabad sa Pakistan ang paglikas ng 30 mga Pilipino papunta roon.
Habang ang sampu pang mga Pinoy ay nakaalis din sa Afghanistan na papunta naman sa iba’t ibang mga bansa.
8 sa mga ito ang tumulak pa-Dubai sa UAE; 1 sa Doha, Qatar; at 1 pa-Paris sa France.
Sa kabila nito, tinatayang nasa 49 na mga Pilipino pa ang nasa Afghanistan, 42 sa mga ito ay nananawagang ma-repatriate.
Mababatid na nananatiling nasa alert level 4 ang status ng Afghanistan dahil sa kaguluhan mula nang kubkubin ito ng mga taliban fighters.
Dahil dito, patuloy ang ginagawang mandatory evacuation ng ating pamahalaan para mailikas ang ating mga kababayan.