Aabot sa apatnapung (40) opisyal ng Philippine National Police o PNP ang mga inaasahang magreretiro sa mga susunod na araw.
Ayon kay PNP Spokesman Chief Superintendent Dionardo Carlos, kinakailangan mapunuan agad ang mga mababakanteng posisyon upang maiwasan na maapektuhan ang operasyon
Dahil dito aniya kaya nagpatupad ng rigodon sa kanilang hanay.
Nilinaw din ni Carlos na ang nasabing balasahan ay regular na at normal ng ginagawa.
Magugunitang nitong nakalipas na linggo ay nagsagawa ng balasahan ang PNP kung saan labindalawang (12) opisyal ay itinalaga sa mga bagong posisyon.
—-