Tatlo na lamang sa 44 kaso ng UK variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang nananatiling aktibo sa bansa.
Ayon kay Department of Health Epidemiology Bureau Director Alethea De Guzman, 40 sa mga ito ang nakarekober na mula sa virus habang isa naman ang nasawi.
Tinukoy naman ang mga active cases na kasalukuyang naka-isolate bilang isang returning overseas Pinoy mula United Arab Emirates, isang 20-taong gulang na babae mula Sabangan, Mountain Province at isang 37-taong gulang na lalaki mula sa Impasug-ong, Bukidnon.
Sinabi rin ni De Guzman na may “minimal transmission” lang, o maliit lamang ang tiyansa ng pagkahawa o “minimal transmission” sa naturang variant basta kaagad na maipatutupad ang mga kaukulang protocols laban sa virus.