Iniimbistigahan na ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang may 40 tauhan ng OTS o Office of Transportation Security kaugnay ng iba’t ibang isyu kabilang na ang laglag bala scheme.
Ayon kay David de Castro, Spokesman ng MIAA, nagsasagawa na rin ng sariling pagsisiyasat ang PNP Aviation Security Group kung mayroon silang tauhan na sangkot sa modus na laglag bala sa NAIA.
Maliban sa mga imbestigasyon, sinabi ni De Castro na naghigpit na sila ng surveillance upang mahuli sa akto ang mga sangkot.
Sinabi ni De Castro na umaabot na sa lima ang naaresto sa NAIA makaraang makitaan ng bala sa kanilang bagahe.
By Len Aguirre