Aabot sa 400 bagong minted reservists ang lumahok sa Reserve Forces ng Philippine Army.
Ayon kay Army Spokesman Colonel Xerxes Trinidad, ang mga miyembro ng Basic Citizen Military Training (BCMT) sinag-lahi class 02-2022 ay mula sa iba’t ibang professional at academic backgrounds na sumailalim sa pagsasanay sa reservist dahil ang kanilang mga paaralan ay hindi nag-aalok ng programa ng Reserve Officers Training Corps (ROTC).
Sumailalim din ang mga ito sa iba’t ibang training drills, disaster response lessons, at comprehensive lectures on soldiery.
Samantala, pinalalakas din ng army ang mga reserbang unit na magsisilbing expansion base para sa regular na pwersa sa oras ng rebelyon, giyera, o pagsalakay. - sa panunulat ni Hannah Oledan