Mahigit 400 bangkay ang narekober ng mga Ukrainian official sa silangang bahagi ng rehiyon ng Kharkiv
Ayon sa mga otoridad, nagmula ang mga labi sa burial site malapit sa silangang lungsod ng izyum na galing sa Russian forces.
Dagdag pa nila, karamihan sa mga bangkay ay may palatandaan ng marahas na pagkamatay.
Nakuha naman muli ng Ukraine ang Izyum at iba pang bayan sa Silangan ngayong buwan. - sa panunulat ni Hannah Oledan