Tinatayang 400 bata sa buong mundo ang namamatay kada araw dahil sa Tigdas.
Ayon sa WHO o World Health Organization, bagamat umuusad ang kampanya para gawing bahagi na lamang ng kasaysayan ang Tigdas kulang sa political will ang maraming pamahalaan para tiyaking nababakunahan ang lahat ng bata sa kanilang nasasakupan.
Batay sa datos ng WHO, mahigit sa 20 milyong bata sa buong mundo ang nailigtas nila ng pandaigdigang kampanya para sa bakuna kontra Tigdas mula taong 2000 hanggang 2015.
Sa kabila nito, nasa 20 milyong sanggol ang hindi nabakunahan sa ilang mga bansa nuong 2015 na nagresulta sa pagkamatay ng mahigit sa 100 libong bata.
75% ng mga hindi nabakunahan at mga nasawing mga sanggol ay nagmula sa Democratic Republic of the Congo, Ethiopia, India, Indonesia, Nigeria at Pakistan.
By: Len Aguirre