Umaasa si Interior and Local Government Officer – In – Charge Usec. Catalino Cuy na mareresolba na sa lalong madaling panahon ang petisyong humaharang sa pamamahagi ng 24 na Rosenbauer fire trucks na binili ng pamahalaan mula sa Austria.
Aminado si Cuy na problemado sila dahil sa aabot pa rin sa 400 mga bayan sa buong bansa ang wala pa ring sariling trak ng bumbero kaya’t pahirapan ang pagresponde sakaling magkasunog duon.
Magugunitang nakatengga pa rin hanggang ngayon sa Batangas Port ang mga biniling trak ng bumbero nuon pang abril ngunit naharang ang pamamahagi niyon dahil sa nasabing petisyon.
Gayunman, inihayag din ni Cuy na tuluy-tuloy ang bidding ng DILG para mabigyan ng mga trak ng bumbero ang lahat ng mga lokal na pamahalaan sa buong bansa.
By: Jaymark Dagala / Jonathan Andal
400 bayan sa buong bansa wala pa ring sariling fire truck – Usec. Cuy was last modified: June 30th, 2017 by DWIZ 882