Pinag-iisipan ng pamahalaan na gamitin ang higit 400 COVID-19 testing laboratories sa buong bansa para sa mga non-coronavirus diseases.
Ayon kay Presidential Adviser at Testing Czar for COVID-19 response Secretary Vince Dizon, mayroong mahigit sa 400 COVID-19 testing laboratories ang naitatag sa Pilipinas na pinamahalaanan o pinatakbo ng pribadong sektor o ng gobyerno
Inalala ni Dizon na kailangan pang magpadala ang pilipinas sa Australia ng specimens para sa COVID-19 testing kung saan mayroon lamang 1 thousand test kits ang gagamitin kada araw para sa buong bansa.
Samantala, ipinaliwanag ni Dizon na sa ilalim ng Alert Level 1 status, ang, ang mga indibiduwal na hindi bakunado o may “higher exposure risk to infection” ang prayoridad ng COVID-19 testing, alinsunod sa resolusyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases. – sa panulat ni Mara Valle