Nasa proseso na ang National Food Authority (NFA) ng restructuring upang matiyak na magpapatuloy sa trabaho ang kanilang mga tauhang na-apektuhan sa pagpapa-iral ng rice tariffication law.
Ayon kay NFA OIC Administrator Tomas Escarez, aabot sa 400 empleyado ng NFA ang tinamaan ng mga pagbabago dulot ng nasabing batas.
Ang mga ito ani Escarez ang siyang nakatoka sa ilang mahahalagang gampanin tulad ng paglilisensya, pagre-rehistro at pagmomonitor sa suplay ng bigas sa buong bansa.
Sa ilalim kasi ng inaprubahang implementing rules and regulations (IRR) para sa rice tariffication law, inalis na sa poder ng NFA na pamahalaan ang lokal na industriya ng bigasan gayundin ang pag-aangkat nito.
“Other than those self-executed provision na may kinalaman sa regulatory kinonfine yung gawain ng NFA sa buffer stocking there would be some possible merging of some provinces para magbawas ng empleyado kasi nga limitado na lang ang kanyang gagawin.” Pahayag ni Escarez.
Samantala, ginagawa rin naman ani Escarez ng NFA ang lahat ng makakaya nito para hindi masayang ang panahon ng paglilingkod ng mga apektadong kawani ng pamahalaan.
“Winoworkout namin they would be on coterminous status hangga’t hindi sila umaalis at gusto pa nila mag trabaho andiyan pa rin sila sa NFA. Pangtalo po yung swapping, maraming na rin empleyado ang gustong umalis iswap natin yung item doon sa hindi gustong umalis. Sa totoo lang po hindi naman masyadong apektado lahat because everthing is being done by the management, government to compensate these employees.” Ani Escarez.