Ibinasura ng Department of Transportation o DOTr ang napaulat na posibleng pagtaas ng pamasahe sa mga jeep dahil sa PUV Modernization Program.
Ayon kay DOTr Undersecretary, Timothy John Batan, walang batayan at hindi inaasahan ng ahensya na magkakaroon ng 300 hanggang 400% ng taas-pasahe sa ilalim ng consolidation at PUV Modernization Program.
Sa katunayan, naglalaro lamang aniya sa ₱1 hanggang ₱2 ang mga nakaraang taas-pasahe sa jeep.
Dagdag pa ni Usec. Batan, kailangan munang dumaan sa proseso na isinasagawa ng LTFRB ang pagtataas ng pamasahe.
Magugunitang noong a-tres ng enero nang magbabala ang commuter group na PARA-Advocates for Inclusive Transport na maaaring sumirit sa ₱50 ang pamasahe sa mga modern jeepneys sa sandaling maipatupad ang modernisasyon sa mga traditional jeepney. - sa panulat ni Maianne Palma