Nagpadala na ng mahigit apat na raang (400) karagdagang sundalo ang Philippine Marine sa Marawi City.
Dakong alas-4:00 kaninang madaling araw nang lumipad ang C-130 cargo plane ng Philippine Air Force sa Villamor Airbase patungong Cagayan de Oro City.
Ayon kay Captain Ryan Lacuesta, tagapagsalita ng Philippine Marine, ang mga nasabing karagdagang sundalo ay ide-deploy sa Marawi City para tumulong sa pakikipagbakbakan laban sa Maute Group.
Aniya, katatapos lamang na sumailalim sa retraining sa Taguig City kaya handa na ang mga itong sumabak sa labanan kontra sa mga terorista.
By Krista de Dios | with report from Gilbert Perdez
400 karagdagang Marines ipinadala na sa Marawi was last modified: June 1st, 2017 by DWIZ 882