Umabot na sa 370 ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) na lumabag sa gun ban na may koneksyon sa pagdaraos ng 2022 elections.
Batay sa datos ng PNP, 27 violators ang nadagdag na pawang mga sibilyan.
Nasa 16 na armas, 40 ammunition at sampung deadly weapons naman ang nakumpiska.
Nagmula ang mga naaresto sa Quezon, Rizal, Zamboanga Del Sur, Leyte, Cebu City, Iloilo, Negros Occidental, Bataan, Cagayan, Sultan Kudarat, Ilocos Sur, Pangasinan, Parañaque, Valenzuela, Malabon, Pasig, Navotas, Manila at Quezon City.
Mula Enero 9, nasa 42,927 checkpoint operation na ang naisagawa sa bansa.