Hinatulan nang hanggang 10 taon na pagkakakulong ang 400 katao sa Iran.
Ito’y matapos magsagawa ng kilos protesta laban sa kanilang gobyerno.
Sinabi ng prosecutor General ng Tehran na ang 160 na nagsagawa ng kilos protesta ay hinatulan ng 5 hanggang 10 taon habang ang 80 naman ay mula 2 hanggang 5 taon.
Hahatulan naman ng hanggang 2 taon na pagkakakulong ang natitirang 160 na katao.
Samantala, pinagmumulta naman ang 70 iba pa na sangkot sa nasabing kilos protesta.