Nakumpiska sa gusali ng Russian embassy sa Buenos Aires ang tinatayang apat na raang (400) kilo ng cocaine na nagkakahalaga ng tinatayang limampung (50) milyong dolyar.
Ayon sa security minister ng Argentina, nakuha ang kilo-kilong cocaine sa annex ng Russian embassy.
Ginagamit di umano ng narco-criminals ang diplomatic courier service ng Russian embassy upang ipadala sa Europe ang cocaine.
Pinalitan ng awtoridad ng harina ang cocaine na nakita sa annex ng Russian embassy at naglagay ng monitor na nagresulta sa pagkakaaresto ng limang suspects.
—-