Inaprubahan ng Asian Development Bank (ADB) ang $400-M o katumbas ng P20-M inutang ng Pilipinas.
Gagamitin ito para mapalakas ang mga programa ng bansa laban sa climate change.
Ayon kay Stephen Schuster, ADB Principal Financial Sector Specialist for Southeast Asia, ito ang kauna-unahang policy-based loan na kanilang inaprubahan para sa climate change.
Gagamitin din ng Pilipinas ang pondo para sa mga programang magpapalakas sa conservation ng land at marine resources.