Mamamahagi ang administrasyon ni US President Joe Biden ng 400 milyong piraso ng libreng non-surgical N95 mask sa publiko.
Ang mga libreng facemask, ay ipapamigay sa tulong ng mga pharmacy at ng mga community health center bilang bahagi ng pagsisikap na pataasin ang access sa mga de-kalidad na facemask upang makontrol ang pagkalat ng COVID-19.
Sisimulan ng gobyerno ang pamamahagi nito sa mga stockpile simula sa katapusan ng linggo ng buwan ng Enero.
Samantala, kasabay ng nasabing hakbang, sisimulan narin ng gobyerno sa Estados Unidos na magpadala ng mga test kit sa bawat indibidwal. —sa panulat ni Angelica Doctolero