Umabot na sa apatnaraang (400) negosyante ang sasama sa biyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China sa susunod na linggo mula sa dating mahigit 20 lamang.
Ayon kay Trade Undersecretary Nora Terrado, ang business delegation ng Pangulo ay pinaghalong malaki at maliit na mga negosyante na naghahanap ng oportunidad sa Tsina.
Pursigido anya ang mga Filipino businessmen na makausap ang mga Chinese business leader at government official hinggil sa mga kasunduan mula sa rail hanggang sa construction at Tourism sector.
Umaasa anya sila na magpapatuloy ang trade at investment ties ng Pilipinas at Tsina na matagal nabalam dahil sa tensyon sa South China Sea.
Kabilang sa business delegation ang mga tycoon na sina Ramon Ang ng San Miguel Group; Manuel Pangilinan of Metro Pacific at PLDT; Lucio Tan at Hans Sy ng SM Group.
By Drew Nacino