Inaasahang darating sa ika-17 ng Agosto ang unang batch ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Lebanon.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), 400 Pinoy ang sakay ng unang chartered flight mula sa Lebanon.
Kasabay ding iuuwi ang labi ng apat na Pinoy na nasawi sa pagsabog sa Beirut.
Tiniyak ni Migrant Workers Affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola ang mga susunod pang chartered flights sa Lebanon para ma-accommodate ang iba pang nais umuwi sa bansa.