Nailipat na sa maayos na tirahan ang 400 sa 800 pamilya na nasa ‘no dwelling zones’ sa Leyte.
Ayon kay Tanauan Mayor Pelagio Tecson, nakatira na ngayon sa mga kongkretong bahay ang mga naturang pamilya sa relocation sites sa mga barangay ng Pago at Sacme.
Sinabi ni Tecson na ang pagpapalipat sa mga ito ay bahagi ng rehabilitation efforts ng pamahalaan para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda noong 2013.
Giit ni Tecson, kaya mabagal ang rehabilitasyon, partikular ang paglilipat sa mga biktima ng kalamidad, ay dahil sa kakapusan ng construction materials at water supply sa relocation sites.
Aniya, ayaw din umanong lumipat ng ilang pamilya sa inilalaang relokasyon dahil sa livelihood-related concerns.
By Jelbert Perdez