Naka-ambang magtaas ng matrikula at iba pang bayarin sa paaralan ang 400 pampribadong eskwelahan at kolehiyo.
Ayon kay Raoul Manuel, tagapagsalita ng NUSP o National Union of Student of the Philippines tambak ang petisyon kaugnay sa hirit na taas matrikula ngayong taon.
Dagdag pa ni Manuel, tumataas ang matrikula sa antas na anim hanggang sampung porsyento sa kada taon.
Bukod pa rito, ikina-aalarma rin ng nasabing organisasyon ang datos kung saan tinatayang nasa 88 porsyento ng mga pribadong paaralan sa Pilipinas ay pag aari ng mga malalaking negosyante.
Dahil dito umapela ang NUSP ng kaukulang aksyon mula gobyerno upang matugunan ang kanilang mga hinaing.
Hindi rin pinalagpas ng NUSP ang kapabayaan umano ng CHED o Commission on Higher Education na tila nagsisilbing “rubber stamp” sa isyu ng deregulasyon na sistema ng edukasyon sa bansa.
Posted by: Robert Eugenio