Tinatayang 400 mga preso ang nakatakas matapos ang nangyaring riot sa loob ng isang kulungan sa katimugang bahagi ng Tripoli, Libya.
Ayon sa pulisya, nagawang itulak ng mga preso ang pinto ng kulungan habang abala naman ang mga prison guard para mag awat sa mga nag aaway.
Wala umanong nagawa ang mga guwardiya dahil sa agresibo at mas marami sa kanila ang mga preso.
Dahil naman sa naging kaguluhan, umabot na sa halos 40 ang namatay habang higit 100 ang sugatan.