Magsasagawa ng human chain at candle light protest ang nasa 400 mga pampublikong guro sa Metro Manila bukas.
Ito ay upang ipanawagan sa kongreso ang mabilis na proseso sa pagsasabatas ng panukala kaugnay ng umento sa kanilang sahod.
Ayon sa ACT o Alliance of Concerned Teachers, gaganapin ang kilos protesta sa bahagi ng P. Tuazon sa Cubao mula 5:30 hanggang 6:00 ng gabi bukas.
Bago ito, nakatakda rin magsagawa ng pagpupulong ang mga miyembro ng ACT-NCR upang talakayin ang kanila namang isasagang pagkilos kasabay ng State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 23.
(With report from Jill Resontoc)