Nagpakalat ng 400 pulis ang Police Regional Office-3 (PRO-3) sa paligid ng New Clark City sa Capas, Tarlac.
Ito ay para matiyak ang seguridad, kaayusan at katiwasayan sa lugar.
Ayon kay PRO-3 Dir. Pol. Brig. Gen. Rhodel Sermonia, inatasan nila ang mga naturang pulis na magsagawa ng maximum tolerance security sa lugar.
Matatandaang sa New Clark City isinailalim sa quarantine ang nasa mahigit 400 na Overseas Filipino Workers na narepatriate mula sa Diamond Princess cruise ship sa Japan at mga OFW naman na mula sa Wuhan City sa China.