Dinukot ng Islamic State militants ang may 400 sibilyan ng atakihin ng mga ito ang isang lugar na hawak ng gobyerno sa Deir Al-Zor City sa Eastern Syria.
Sinabi ng Syrian Observatory for Human Rights na kabilang sa mga dinukot ay ang mga pamilya na pro-government.
Ayon naman sa Syria State News Agency, 300 katao din kabilang ang mga bata at kababaihan ang napatay sa pag-atake sa Deir Al-Zor City.
Kinondena naman ng Syrian government ang pagpatay na isinalarawan nito bilang “Horrific massacre against the residents of Begayliya in Deir Al-Zor”.
By Mariboy Ysibido