Nasa 400 truck ng basura ang nakolekta ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) bilang bahagi ng Manila Bay Rehabilitation Project simula Enero 27 hanggang Mayo 27.
Ayon sa MMDA–Flood Control and Sewerage Management Office, saklaw ng clearing operations ang baywalk sa Roxas Boulevard, Estero San Antonio de Abad, Tripa de Gallina, Padre Faura at Remedios Drainage Main maging ang ilan pang drainage.
Nilinaw naman ni MMDA Chairman Danilo Lim na kahit hindi pa inilulunsad ang Manila Bay Rehabilitation Project ay noon pa naman sila nagsasagawa ng regular clean-up operations sa mga waterway sa Metro Manila.
Matagal na panahon pa anya ang gugugulin upang maibalik ang ganda lalo ang kalidad ng tubig sa Manila Bay kaya’t bukas din sila sa anumang tulong ng publiko upang mapabilis ang rehabilitasyon.