Umaapela na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang 4,000 empleyado at pamunuan ng airline service provider na Miascor na mawawalan ng trabaho.
Ito’y dahil hanggang Abril na lang ang operasyon ng Miascor matapos ipakansela ang kontrata nito dahil sa insidente ng pagnanakaw ng bagahe sa isang pasahero sa Clark International Airport sa Pampanga.
Umaasa ang pamunuan at mga empleyado ng Miascor na magbabago ang desisyon ni Pangulong Duterte at i-kunsidera ang mga mawawalan ng trabaho.
Iginiit ng naturang airline service provider na hindi dapat idamay ang iba nilang empleyado na nagtatrabaho ng maayos lalo’t naparusahan naman na ang anim na personnel na itinurong nagnakaw sa bagahe ng isang pasahero.
—-