Nakatakdang ipamahagi ng Human Rights Victims Claims Board ang partial compensation sa unang batch ng mga biktima ng human rights violation noong panahon ng Martial Law.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, noong January 19 nang pormal na iprisinta ng board kay Pangulong Rodrigo Duterte ang may apatnalibong (4,000) kwalipikadong claimants na paunang makakatanggap ng benepisyo.
Tatlumpung libo (30,000) pa lamang mula sa kabuaang 75,000 martial law victims ang napoproseso ng board kung saan apatnalibo (4,000) nga ang naaprubahan.
By Rianne Briones