Nanganganib mawalan ng trabaho ang 4,000 mga empleyado ng Miascor.
Ito ay matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagputol ng kanilang kontrata bilang ground handling service provider dahil sa mga kaso ng pagnanakaw ng bagahe.
Ngunit, ayon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), may lima (5) pang airline operator na maaaring pasukan ang mga mawawalan ng trabaho.
Tiniyak din ng NAIA na kanilang kakausapin ang mga airline operator na bayaran ng tama ang mga empleyado upang hindi matuksong gumawa ng hindi maganda.
Batay sa datos ng Manila International Airport Authority (MIAA), umabot sa tatlongpo’t tatlo (33) ang naitalang kaso ng pagnanakaw sa bagahe noong 2016 at 2017, at labingwalo (18) dito ay kinasangkutan ng mga tauhan ng Miascor.