Lilipad mamayang gabi ang isang eroplano ng Philippine Airlines (PAL) patungong Beijing, China para kunin ang 400,000 doses ng Sinovac vaccines.
Inaasahang nasa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 na bukas ng umaga ang nasabing eroplano ng PAL na nagsabing milestone flight ito bilang unang pag-airlift ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines pa-Maynila mula sa isang international hub.
Ika-1 ng Marso nang simulan ng bansa ang vaccination program nito kung saan priority ang medical frontliners gamit ang Sinovac vaccines na donasyon ng China.
Target ng gobyerno na matapos ang pagbabakuna sa healthcare workers sa mayo at palawigin ang programa sa ibang sektor sa susunod na buwan.