Nakapagtala ng mahigit 400,000 doses ang naiturok na sa bawat indibidwal sa kada araw, kahapon.
Ayon kay health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na kailangan itaas ang bilang ng mga mababakunahan lalo na sa mga senior citizen at perosn with comorbidities kung saan malaki ang posibilidad na mahawa ng COVID-19.
Target ng gobyerno na makapag bakuna ng 500,000 COVID-19 vaccine doses kada araw para maabot ang 70% ng populasyon ng Pilipinas bago matapos ang taon.
Sa ngayon ay mayroon nang 14 milyong COVID-19 vaccine doses ang naiturok na sa 4 milyong indibidwal na fully vaccinated na.