Kuntento naman si Manila Mayor Isko Moreno sa naging latag ng seguridad sa katatapos pa lamang na paggunita sa Traslacion ng Poong Itim na Nazareno kahapon.
Ito’y sa kabila ng mga naitalang nasugatan at nahilong mga deboto at kailangang dalhin sa ospital para lapatan ng paunang lunas.
Batay sa ulat, sinabi ni Yorme Isko na aabot sa humigit kumulang 400,000 mga deboto ang nakiisa sa oras-oras na misa sa simbahan ng Quiapo.
Maliban pa ito sa iba pang dumalo ng misa sa tinatawag na extension ng Quiapo church tulad ng San Sebastian Basilica, Sta. Cruz Church at gymnasium ng Nazarene Catholic School.