Nakauwi na rin sa Iloilo ang 402 locally stranded individuals (LSI)’s at tatlong Filipino repatriates mula India at Sri Lanka.
Ayon sa Navy public affairs office chief, Lt. Commander Maria Christina Roxas, naihatid na ng BRP Davao del Sur ang mga Pinoy sa Port San Pedro sa lungsod.
Mula sa Iloilo, tutulak naman ng Cebu ang barko para ihatid ang mahigit dalawang libong kahon ng personal protection equipment (PPE) at iba pang medical supplies sa tanggapan ng Office of Civil Defense sa nabanggit na lugar.