Tinukoy na dahilan ni Senador Franklin Drilon na isa sa dahilan kung bakit maraming pasaway ang na Pilipino ang lumalabag sa health protocols ay ang mga opisyal ng pamahalaan na hindi nagbibibigay ng magandang halimbawa sa pagsunod.
Ito ang inihayag ng senador sa panayam ng DWIZ, kung saan pinatutsadahan niya ang ilang mga opisyal na lumabag sa minimum health protocols.
Ayon kay Drilon, dapat na maging huwaran ang mga opisyal ng pamahalaan lalo na sa pagsunod ng mga panuntunan.
Dapat tayo ang halimbawa, we live by example.Paano ba naman ‘yan ang mga opisyales natin ‘di sumusunod sa mga patakaran. Nagkakaroon ng manañita,birthday party… nagpupunta sa mga aquatic resorts, sa mga karaoke, nagpupunta sa inaugauration ng government projects hindi sumusunod sa health protocol, kaya kapag nakikita ng mga tao ito, ang kredibilidad, ang ability ng gobyerno na pasundin ang mga tao becomes doubtful,″pahayag ni Senator Franklin Drilon.
Giit nito, susunod lamang ang taong bayan kung may kredibilidad ang anunsyo ng gobyerno.
Sa aking tingin susunod lang ang tao kung may kredibilidad ang announcement. Paano magkakaroon ng kredibilidad kung papalit-palit,″ wika ni Senator Franklin Drilon.
Matatandaang ilan sa mga lumabag na opisyal sa minimum health protocols sina General Debold Sinas, Presidential Spokesperson Harry Roque at si Secretary Salvador Panelo.— sa panulat ni Agustina Nolasco.