Pumalo na sa 4,050,045 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito’y matapos madagdagan ng 1,115 na panibagong kaso ng virus kung saan nasa 18, 355 na ang active cases sa Pilipinas.
Batay sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH), nasa 3,966,788 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling habang umakyat na sa 64, 904 ang death toll.
Naitala sa metro manila ang pinakamaraming dinapuan ng COVID-19 na may 5,579, sinundan ng calabarzon na may 2, 319, Central Luzon na may 1,130, Western Visayas na may 740 at Cagayan Valley na may 793.