Nilinaw ng Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya nangako sa taong-bayan na babawiin niya sa China ang West Philippine Sea (WPS) noong kampanya niya sa pagka-Pangulo noong 2016.
Ito ang depensa ng Pangulo kasunod ng mga kritisismong natatanggap sa tila kawalan niya ng aksyon kaugnay sa isyu.
I never, never in my campaign as President promised the people that I would retake the West Philippine Sea. I did not promise that I will pressure China, I never mentioned about China and the Philippines in my campaign because that is a very serious matter, I never promised anything. Just because I’m president gusto ninyo makipag-away ako,” pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Dagdag ng Pangulo, marami pa nga ang dapat ipagpasalamat ng bansa sa China sa mga naitulong nito noon at hanggang ngayon.
China remains to be our benefactor and just because, if I may just add something to the narrative, just because we have a conflict with China does not mean to say we have to be rude and disrespectful. As a matter of fact we have many things to thank China for in the past and itong tulong nila ngayon,”wika ng Pangulo.
Magugunitang noong April 2016 binitawan ng Pangulong Duterte sa taong-bayan sa kasagsagan ng kanyang kampanya na sasakay siya sa jetski patungo sa pinag-aagawang isla at itatanim mismo doon ang watawat ng Pilipinas.
Kapag sinabi [ng UN arbitral tribunal] na panalo tayo at ayaw ng China, I will not go to war. Pupunta ako sa China. Ngayon ‘pag ayaw nila, I will ask the Navy to bring me to the nearest boundary, diyan sa Spratly, sa Scarborough, Bababa ako at sasakay ako ng jetski, dala dala ko ang flag ng Filipino at pupunta ako dun sa airport [ng China] tapos itanim ko. I will say, ‘This is ours and do what you want with me’, “ani ng Pangulo.
Samantala, makalipas ang ilang taong bilang Pangulo binawi nito ang pahayag at nilinaw na ito ay isa lamang aniyang hyperbole.