Patay ang isang Pilipino seafarer na isa sa mga crew ng MV Athens matapos magpositibo sa Indian variant ng COVID-19.
Ito ang kinumpirma ng Department Of Health o DOH kung saan isa sa apat na seaman na inadmit sa Manila Medical Center.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nuong nakaraang linggo binawian ng buhay ang naturang Pinoy.
Mula aniya siya sa Parañaque ngunit lumaki sa ibang probinsya.
Maliban dito, tatlo pa umanong Pinoy ang nagpositibo sa Indian variant ngunit nakarekober na sa naturang sakit kasama ang ilang crew.