Namemeligrong sumirit sa 40°C ang temperatura sa Metro Manila at Northern Luzon sa susunod na linggo dahil sa epekto ng el niño phenomenon.
Ayon kay El Niño Task Force Spokesman Joey Villarama, bagaman hindi nasusukat ang tindi ng el niño, tiyak na magiging mainit ang panahon dahil ngayon pa nga lamang aniya ay medyo mainit na, na dapat namang malamig dahil sa hanging amihan.
Bukod dito, sa ulat ng PAGASA, maaari ring umabot sa 36.5°C ang temperatura sa buong bansa.
Samantala, nagbabala naman ang opisyal sa publiko na mag-ingat dahil uso ang mga waterborne disease tuwing tag-init dahil sa kakulangan sa supply ng malinis na tubig. – sa panunulat i Jeraline Doinog