Tinatayang 40,000 pulis ang ipakakalat ng PNP upang matiyak na ligtas at mapayapa ang 2022 National at Local Elections sa Mayo 9.
Ayon kay PNP Chief, Gen. Dionardo Carlos, posibleng madagdagan ang nasabing bilang sa susunod na linggo upang mapaigting ang security operations para sa halalan.
Mino-monitor na rin anya nila ang sitwasyon bilang pagtalima sa kautusan at pagtitiyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na magiging tapat, patas at maayos ang eleksyon.
Bukod sa security operations, nakikipag-tulungan din ang Pambansang Pulisya sa Commission on Election upang mapigilan ang vote-buying at iba pang illegal activities.
Samantala, inihayag ni PNP Public Information Office chief, Brig. Gen. Roderick Alba na mahigit 30,000 pulis ang makikibahagi sa local absentee voting simula April 27 hanggang 29.