Mahigit sa apatnapung libong (40,000) sasakyan sa ilalim ng Grab at Uber ang maituturing na kolorum.
Ayon kay Atty. Aileen Lizada, Board Member at Spokesperson ng LTFRB o Land Transporation Franchising and Regulatory Board, nasa apat na libo (4,000) lamang ang nakarehistro sa kanilang ahensya samantalang may tig-dalawampu’t walong libong (28,000) sasakyan sa kanilang sistema ang Grab at Uber.
Nilinaw ni Lizada na hindi ito panggigipit sa Uber at Grab kundi nais lamang nilang maisaayos ang sistema upang maging patas ito sa ibang sistema ng transportasyon.
Una rito, sinuspindi ng LTFRB ang operasyon ng Grab at Uber matapos matuklasan ang libo-libong sasakyang nag-ooperate sa Grab at Uber nang walang prangkisa.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni LTFRB Spokesperson Atty. Aileen Lizada