Apatnapung libong trabaho ang nagbunga sa huling biyahe ni pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Japan.
Sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma, na may mga investor na mga hapon ang maglalagak ng puhunan sa Pilipinas sa pagpasok ng 2024.
Dagdag pa ng kalihim, karamihan sa mga malilikhang trabaho ay mula sa power and renewable energy sector.
Maliban sa dagdag trabaho, posibleng bumaba rin ang presyo ng kuryente sa bansa dahil sa mga dagdag na power producers.
Dahil dito, aabot sa kabuuang 300,000 bagong trabaho ang magbubukas sa 2024 na naging bunga ng mga biyahe ni Pangulong Marcos ngayong taon.