Idineklaranang drug-free ang 41 barangay at dalawang bayan sa Region 1, partikular na sa Balungao, Pangasinan at Dingras, Ilocos Norte.
Habang apat pang barangay ang ikinategorya na walang presensya ng aktibong drug personalities.
Inanunsyo ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing (ROCBDC) ang naging resulta na pinangangasiwaan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nagpulong sa Camp Diego Silang sa City of San Fernando, La Union.
Sa aktibidad, nagsagawa ng validation at napag-alaman ng kumite na 471 sa 474 na barangay ay napanatili ang kanilang status bilang drug-free.
Ang natitirang tatlong barangay ay kinakailangan pa ring isailalim sa re-validation. - sa panulat ni Hannah Oledan