Nakapag graduate na mula sa rehabilitation program ang 41 drug dependents mula sa Valenzuela City.
Sa kanilang pagtatapos tumanggap ng tig 20,000 Piso ang kada graduate bilang tulong ng city government para makapagsimula sila ng maliit ng negosyo.
Ang 41 na graduate na ikalawang batch ng rehabilitation program ay nanatili ng anim na buwan sa mega drug abuse treatment and rehabilitation center sa Nueva Ecija.
Isasailalim pa sa anim na buwang monitoring ang mga nakatapos para matiyak na hindi na babalik sa kanilang bisyo.
Padadaluhan din sa trainings at seminars ang mga nasabing graduates para turuan silang maayos na hawakan ang kanilang kinikita.