Isang business process outsourcing (BPO) company sa Bacolod City ang isinara matapos magpositibo sa COVID-19 ang 41 empleyado nito.
Ayon sa executive director ng Bacolod City Emergency Operations Center, isasara sa loob ng 24 oras ang building ng Transcom para sa makapagsagawa ng disinfection at decontamination nito.
Nagsagawa umano sila ng surveillance testing matapos mapansing dumarami ang nagpopositibo sa kumpanya.
Nasa kabuuang 594 ang empleyadong sumailalim sa swab test.