Tinamaan ng Foot-And-Mouth Disease (FMD) ang 41 mag-aaral sa Albay, Bicol.
Ayon kay Engr. William Sabater, sanitary engineer ng Albay Provincial Health Office, nagmula sa Albay Central School ang naturang mag-aaral.
Agad namang isinailalim sa disinfection ang buong Albay Central School, habang sinuspinde ang pagsasagawa ng face-to-face classes na inilipat muna pansamantala online.
Sa ngayon, magsasagawa na ng information, education, communication at orientation ang albay PIO sa albay central school faculty kung paano maiiwasan at makokontrol ang foot-and-mouth disease.