41 mamamahayag ang nakikiisa sa panawagan ng Rappler sa Korte Suprema na tuldukan ang coverage ban ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nasabing online news site.
Sa petition for intervention na isinampa ni Human Rights Lawyer Theodore Te ng flag o free legal assistance group, hinimok ng mga journalist ang mga mahistrado na ideklarang unconstitutional ang nasabing hakbangin ng pangulo laban sa Rappler.
Hinimok din ng grupo ang high tribunal na magtakda ng oral argument sa naturang usapin.