Apatnapu’t isang porsyento (41%) na ng mga botante sa Pilipinas ang mayroong kumpletong listahan ng kanilang ibobotong kandidato sa pagkasenador sa halalan 2022.
Batay sa survey ng Pulse Asia noong Abril 16 hanggang 21, nagmula sa Visayas ang mayorya ng mga Pilipinong mayroon nang kodigo na nasa 58%.
Sinundan ito ng Mindanao at Class E voters na pawang may 55% habang 26% lamang sa Luzon.
2.4K ang lumahok sa survey sa pamamagitan ng face-to-face interview.
Matatandaang sa kaparehong survey rin muling nanguna si presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos na nakakuha ng 56% at sinundan ni Vice President Leni Robredo na may 23% na boto.