Suportado ng 41% ng mga Pilipino ang pagpapatalsik kay Vice President Sara Duterte.
Sa resulta ng SWS survey, 35% naman ng mga Pilipino ang kontra impeachment habang 19% ang undecided.
Ayon pa sa 46% ng repondents, dapat nang tanggalin ang Bise-Presidente dahil sa kabiguan nitong ipaliwanag ang paggasta sa kontrobersyal na confidential funds ng kanyang mga tanggapan.
Naitala ang pinakamataas na percentage ng pabor sa impeachment sa Balance Luzon, sinundan ng National Capital Region at Visayas habang pinakamababa naman sa balwarte ng mga Duterte sa Mindanao.
Matatandaang, inihain ng iba’t ibang grupo ang tatlong impeachment complaint laban sa Pangalawang Pangulo na in-endorso naman ng anim na miyembro ng kamara. - Sa panulat ni Laica Cuevas