Umabot na sa 41 pagyanig ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Bulkang Kanlaon sa Negros simula Hunyo a-30.
Batay sa datos ng Kanlaon Volcano Network, kabilang sa 41 pagyanig ang 7 mabababaw na tornillo signals na may kasamang volcanic gas movement na matatagpuan sa upper volcanic slopes.
Habang mayroon ding nakita ang PHIVOLCS na short-term slight inflation ng lower at mid slopes sa bulkan simula pa noong Enero.
Sa ngayon, nananatili pa rin sa Alert level 1 ang Bulkang Kanlaon na nangangahulugang nasa low level of unrest pa rin ito.
Nagbabala naman ang PHIVOLCS sa mga LGUs sa Negros Occidental at Negros Oriental, na mahigpit na ipagbawal sa mga mamamayan ang paglapit sa four-kilometer radius permanent danger zone ng bulkan.